Bakit Bandilang Itim?

Isinalin mula sa “Why the Black Flag?” nasa Reinventing Anarchy, Again (1996) ni Howard J. Ehrlich, pp 31-32. Sinalin ni Simoun Magsalin.


Ang bandilang itim ay ang simbolo ng anarkiya. Pumupukaw nito ng iba’t-ibang mga damdamin tulad ng takot hanggang sa kasiyahan sa mga kinikilala ’to. Alamin natin kung ano ang ibig sabihin nito upang makita ’to sa higit pang mga pampublikong pagtitipon… Kontra sa lahat ng pamahalaan ang mga anarkista kasi naniniwala sila na ang malaya at mulat na kamalayan ng mga sarili ay ang pinakadakilang lakas ng mga pangkatan at ng mismong lipunan. Naniniwala ang mga anarkista sa pansariling responsibilidad at pagkukusa at sa buong-pusong pakikipagtulungan ng mga pangkatan na binubuo ng mga malayang indibidwal. Kabaligtaran ng mithiin ito ang pamahalaan, at umaasa ito sa malupit na puwersa at pandaraya upang padaliin ang pamamahalaan ng marami sa iilan lamang. Kung napatunayan ang itong malupit at mapanlinlang proseso sa mga gawa-gawang konsepto tulad ng dibinong karapatan ng mga hari, ang demokratikong halalan, o ang rebolusyonaryong pamahalaan ng mamamayan ay may kaunting pagkakaiba sa mga anarkista. Tinatanggihan namin ang buong konsepto ng pamahalaan mismo at iginigiit namin ang pag-asa sa kakayahang malutas ang problema ng mga malayang tao.

Bakit ba itim ang ating bandila? Kulay ng pagtanggi ang itim. Ito ay ang pagtanggi ng lahat ng mga bandila. Ito ay pagtanggi ng pagka-bansa na naghihiwalay ng sangkatauhan laban sa isa’t-isa nito at tinanggihan nito ang pagkakaisa ng buong sangkatauhan. Ang itim ay ang pagkaramdam ng galit at poot sa lahat ng mga krimeng kakila-kilabot laban sa sangkatauhan na naganap sa ngalan ng katapatan sa kung kaninumang pamahalaan. Ito’y ng kagalitan at kapootan sa pagyurak sa katalinuhan ng tao na buhat ng mga pagkukunwari, pagpapaimbabaw, at murang panlalansi ng mga pamahalaan… Ang itim ay kulay rin sa pagluluksa; ang bandilang itim na tinatanggi ng pagka-bansa ay nagluluksa rin para sa mga biktima nito—ang milyon-milyong pinatay sa mga digmaan, panlabas at panloob, para sa kaluwalhatian at katatagan ng ilang madugong pamahalaan. Nagdadalamhati rin ito sa para sa ninakawan ng oras at pagod sa paggawa (kinaltasan ng buwis) upang pondohan ang pagpatay at pang-aapi ng ibang tao. Nagdadalamhati rin ito hindi lamang pagkamatay ng katawan kundi na rin sa pagkakalumpo ng diwa sa ilalim ng kapangyarihan at sistemang hirarkikal; nagdadalamhati ito ang milyon-milyong selula ng utak na dumilim nang walang pagkakataon na magbigay liwanag sa mundo. Kulay ito ng pinakamapanglaw ng dalamhati.

Ngunit maganda rin ang itim. Kulay ito ng pagpapasiya, ng paglutas, ng kalakasan, kulay ito kung saan ang ibang kulay ay nililinaw. Ang itim ay ang nakapalibot na misteryo sa pagsibol ng pagkamayabong, ang lugar ng pag-aanak ng bagong buhay na laging umuunlad, nagpapabago, nagbibigay buhay muli at nagpaparami sa kadiliman. Ang binhi na nakatago sa lupa, ang mahiwagang paglalakbay ng mga tamud, ang sikretong paglaki ng embryo sa sinapupunan ng lahat ng mga kadiliman na pumapalibot at nagpoprotekta.

Kaya ang itim ay pagtanggi, ay kagalitan, ay kapootan, ay pagluluksa, ay kagandahaan, ay pag-asa, ay pag-aalaga at sumisilong ng mga bagong anyo ng buhay ng tao at relasyon sa at kasama sa mundong ito. Nangangahulugang lahat ng mga bagay na ito ang bandilang itim. Ipinagmamalaki namin na dalhin ito, paumanhin kailangan namin dalhin, at asahan ang araw kung nang hindi na kinakailangan ang ganoong simbolo.